![]()
Nagiging patok sa mga health enthusiast ang Ashwagandha, isang halamang gamot na matagal nang ginagamit sa tradisyonal na medisina, dahil sa mga pinaniniwalaang benepisyo nito sa katawan.
Ang ashwagandha ay kilala bilang “adaptogen,” na tumutulong sa katawan na makaangkop sa stress.
Ayon sa mga eksperto, maaari itong makatulong sa pagbabawas ng anxiety at pagpapabuti ng tulog.
May mga pag-aaral din na nagsasabing nakakatulong ito sa pagpapalakas ng immune system at pagpapababa ng antas ng cortisol o stress hormone.
Bukod dito, iniuugnay rin ang ashwagandha sa pagpapalakas ng enerhiya at pagbuti ng memorya at focus.
Sa mga lalaki, may mga ulat na nakakatulong din ito sa pagtaas ng testosterone at pagpapabuti ng fertility.
Subalit may mga paalala rin ang mga doktor ukol sa posibleng masamang epekto ng ashwagandha.
Maaari itong magdulot ng side effects tulad ng pagkahilo, pagsusuka, at pagtatae lalo na kung sobra ang pag-inom.
Hindi rin ito inirerekomenda sa mga buntis dahil maaari itong magdulot ng komplikasyon.
Pinapayuhan din ang mga may kondisyon sa thyroid, autoimmune disease, o umiinom ng ilang gamot na kumonsulta muna sa doktor bago gumamit ng ashwagandha, dahil maaari itong makipag-interact sa iba pang gamot.