![]()
Pormal nang binuksan ng Pilipinas at Amerika ang kanilang taunang Balikatan exercises ngayong 2026.
Idineklara ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang pagsisimula ng Exercise Balikatan 41-2026, kanina sa opening ceremony.
Aniya, ang kanilang exercise ay hindi lamang pagpapakita ng kahandaan kundi pagpapatibay ng commitment na manindigan, kumilos, at kung kinakailangan ay lumaban nang magkakasama.
Mahigit 17,000 na mga sundalo mula sa Philippines, United States, at partner nations, kabilang ang Australia, Canada, France, Japan, at New Zealand ang inaasahang lalahok.
Nasa 18 na bansa rin ang inaasahang magsisilbing observers sa Balikatan exercises.
Isasagawa ang drills sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula sa Luzon hanggang sa Mindanao.
