![]()
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pauuwiin sa bansa si dating Cong. Zaldy Co, alinsunod sa batas.
Ginawa ng pangulo ang pagtiyak, kaugnay sa kaso ng dating mambabatas na ngayon ay nasa kustodiya ng Czech Republic.
Ginagarantiyahan din ni Marcos na sasagutin ni Co ang mga Pilipino, tungkol sa kinasasangkutan nitong malawakang korapsyon sa flood control projects.
Sinabi ng chief executive na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng mga kinakailangang hakbang para sa pagbabalik ni Co sa Pilipinas.
Inatasan ng pangulo ang Department of Foreign Affairs at Department of Justice na makipag-ugnayan sa Czech officials para sa turnover ng dating mambabatas.
Isang high-level coordination team din aniya ang ipadadala para mangasiwa sa proseso.
