dzme1530.ph

PETISYON PARA SA SAMPUNG PISONG DAGDAG PASAHE SA JEEP, IHAHAIN NG PISTON-PASAY

Loading

Maghahain ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang transport group na PISTON-Pasay para sa sampung pisong dagdag pamasahe.
 
Ayon kay PISTON Pasay President Eduardo Buela, hindi na kaya ng kasalukuyang pamasahe ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
 
Sinabi ni Buela na sa kabila ng bahagyang rollback sa presyo ng langis, hirap pa rin ang mga driver na makaagapay sa mataas na presyo ng diesel.
 
Ang kailangan aniya nila ay ang mabawasan ang presyo ng 55 pesos kada litro upang mapagaan ang kanilang paghihirap.
 
Tiniyak ni Buela na kung pagbibigyan ang hiling nilang dagdag pasahe ay makatutulong ito upang mabawasan ang epekto sa kanila ng krisis.

About The Author