dzme1530.ph

DEPARTMENT OF AGRICULTURE, PINAKIKILOS LABAN SA OVERPRICING NG MGA PANGUNAHING PRODUKTO

Loading

KINALAMPAG ni Senador Imee Marcos ang Department of Agriculture upang gamitin ang kapangyarihan nito sa ilalim ng batas upang maibsan ang pasanin ng mga mamimili.
 
Sa gitna ito ng ulat ng overpricing sa mga pangunahing bilihin.
 
Tinukoy ni Marcos na bagamat’ itinakda ng DA ang ₱50 kada kilo ng bigas, hindi pa rin ito nasusunod sa merkado dahil sngayon wala nang mabili na regular at well-milled rice sa naturang presyo.
 
Premium rice na lamang anya ang available at umaabot na sa ₱62 kada kilo.
 
Ganito rin anya ang sitwasyon sa baboy na mula sa dating ₱200–₱250 kada kilo, umaabot na ngayon sa ₱350 kada kilo ang presyuhan sa merkado.
 
Dahil dito, kinuwestyon ni Marcos ang pahayag ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na wala silang kapangyarihan laban sa overpricing at profiteering.
 
Iginiit ng senadora na hindi maaaring maghugas-kamay ang ahensya dahil malinaw sa batas na may kapangyarihan ang DA na magsagawa ng imbestigasyon, magpataw ng multa, maglabas ng cease and desist o temporary restraining order, magsuspinde o magkansela ng permit at lisensya, magpa-seize ng produkto, at magsampa ng kaso laban sa mga lumalabag.
 
Saklaw din anya nito ang pagtatakda ng suggested retail price (SRP) at price ceiling para sa isda, karne, manok, gatas, at iba pang produktong agrikultural, lalo na sa panahon ng biglaang pagtaas ng presyo.

About The Author