![]()
Binisita ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang lalaking inisyuhan ng violation ticket dahil nakahubad habang naghahalo ng semento sa Mandaluyong City.
Personal pang humingi ng paumanhin ang kalihim kay Jhony Lanquino.
Si Lanquino ay inisyuhan ng violation ticket sa ilalim ng Safer Cities Initiative.
Ipinag-utos naman ni Remulla ang pag-waive sa 500 pesos na fine laban kay Lanquino.
Una nang umani ng batikos ang pag-iisyu ng violation ticket laban kay Lanquino sa paggiit na nasa harapan lamang siya ng kanyang bahay.
