dzme1530.ph

MAYORYA NG MGA PILIPINO, SUMUSUPORTA SA IMPEACHMENT PROCESS LABAN KAY VICE PRESIDENT SARA DUTERTE

Loading

Mayorya ng mga Pilipino ang sumusuporta sa impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang lumitaw sa pinakahuling tugon ng masa survey ng OCTA Research na isinagawa mula March 19 hanggang 25 sa 1,200 respondents.

Batay sa survey, 69 percent ng mga Pinoy ang naniniwalang dapat isagawa ang impeachment process upang matalakay ang mga alegasyon laban sa Bise Presidente.

Nasa 28 percent naman ang hindi sumasang-ayon sa impeachment process habang tatlong porsyento ang undecided.

Pinakamalaking bahagi ng pabor sa impeachment ay mula sa Visayas na naitala sa 83 percent, sinundan ng National Capital Region na 81 percent at nalalabing bahagi ng Luzon na 69 percent.

Pinakamababang suporta naman ang naitala sa Mindanao na umabot sa 61 percent at may pinakamataas na pagtutol na 38 percent.

Lumabas din sa survey na mas marami ang sumusuporta sa impeachment sa rural areas na umabot sa 75 percent, habang 63 percent sa urban areas.

About The Author