![]()
Sinagot ni Vice President Sara Duterte ang ilang alegasyong ibinato sa kanya ni Ramil Madriaga sa pagdinig ng House Committee on Justice sa impeachment complaint laban sa kanya.
Sa kanyang statement, sinabi ng Bise Presidente na sa lahat ng kasinungalingang inilabas, personal niyang nilalabanan ang alegasyon na kinakailangan pa niya ng tulong ng iba para makaraos sa law school.
Binigyang-diin ni VP Sara na nakumpleto niya ang kanyang pag-aaral sa sariling pagsisikap.
Wala anya siyang ginambalang professor o sinuman para mabigyan ng special accommodation para sa kanyang mga grades.
Naka-graduate anya siya sa law school at nakapasa siya sa bar exam noong 2005.
