![]()
Pinasubpoena na rin sa House Committee on Justice para sa April 22 hearing si former Senator Antonio Trillanes IV, at ang Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Si Trillanes ay nabanggit sa Saballa et al. complaint sa isyu ng assets ni VP Duterte lalo na sa umano’y bank accounts nito at kabiyak na si Atty. Manases Carpio.
Makailang beses na ring isiniwalat ni Trillanes ang aniya ‘joint’ accounts sina Sara at former president, gayun din si Atty. Carpio.
Nagkakaisa naman sina Reps. Leila de Lima, Chel Diokno at Perci Cendana sa pagpapatawag sa AMLC para isumite ang investigation findings sa lahat ng ‘covert at suspecious’ transactions ng Duterte-Carpio couple mula 2006 to 2025.
Ang hidden wealth sa SALN ng VP ay kabilang sa mabibigat na alegasyon sa impeachment complaint, kasama na dyan ang graft and corruption dahil sa disproportionate sa sweldo nito bilang public official.
