dzme1530.ph

RAMIL MADRIAGA, UMAMING “DUMMY” NI DATING PANGULONG DUTERTE SA MULTI-MILLION PESO BANK TRANSACTIONS

Loading

Inamin ni Ramil Madriaga na nagsilbi siyang “dummy” ni former President Rodrigo Duterte sa multimillion peso bank transactions nung ito ay Pangulo pa ng bansa.
 
Inilahad ni Madriga sa kanyang supplemental affidavit na naging instrumento siya ng paggalaw ng malalaking halaga ng pera sa pamamagitan ng bank accounts na nakapangalan sa kanya subalit hindi siya ang nag-open nito.
 
Sinabi nito na ang mga bank accounts ay mga associates ng FPRRD ang nag-bukas, at makikita ito sa paper trail na isinama nito gaya ng mga tseke na naka-attached sa affidavit.
 
Inamin nito na 100 thousand hanggang 150 thousand pesos lamang ang binabayad sa kanya ni PRRD, pero millions of pesos ang pumasok s kanyang bak accounts.
 
Ang multiple accounts ay na-open umano sa Makati, pasig, at pampanga, at ang mga transaksyon dito ay kunektado lahat sa “intelligence operations” at “laundering.”
 
Sa isang pagkakataon, inutusan umano siyang pirmahan ang buong checkbooks kung saan ang payees at halaga ay blanko.
 
Ilan sa malalaking cash movements ay tatlong magkakahiwalay na withdrawals na tig 100-M pesos na ginawa sa loob ng mall sa Lubao, Pampanga, na kanyang idiniliver sa Malakang.
 
Kanya umanong naaalala ang instruction noon ni FPRRD hinggil sa tatlong magkakaibang okasyon sa pag-pick up ng 100-M pesos mula sa bangko sa loob ng mall sa lubao, pampanga.
 
Tinukoy din nito bilang documentary evidence na naka-attached sa affidavit ang dalawang Landbank manager’s checks na inisyu sa kanyang pangalan na nagkakahalaga ng P84,200,000, at P4,800,000 o kabuuhang P89-M na diniliver sa safehouse sa Eastwood, Quezon City.
 
Si Madriaga ay boluntaryong nag-execute ng bank waiver para mabusisi ang mga bank accounts na nakapangalan sa kanya.
 
Sa tanong kung bakit siya pumayag na maging dummy, inamin nito na nung panahon na yun, buong buo ang tiwala niya kay former President Rodrigo Duterte at mga closed associates.

About The Author