![]()
Isang pasabog ang pinakawalan ni Ramil Madriaga sa pagdinig ng House Committee on Justice.
Sa binasang supplemental affidavit, sinabi nito na inutusan siya ng Duterte family na tulungan mailabas sa Bureau of Custom ang kumpiskadong equipment na kalaunan ay natuklasang naglalaman pala ng P4.3-B halaga ng shabu.
Sa salaysay, sa pagitan ng 2017 at 2018 habang nasa kainitan ang war on drugs campaign, inatasan umano siya ni former President Rodrigo Duterte na alalayan si Atty. Manases “Mans” Carpio.
Sila umano ay nag-meeting sa harap ng coffee shop sa Burgos Circle, Bonifacio Global City, Taguig at duon hiniling sa kanya ni Atty. Mans na tumulong itong ma-facilitate ang release ng kumpis-kadong construction equipment.
Sa pagbisita umano niya sa BOC, kanyang nadiskubre na ang tinutukoy na construction equipment ay walang iba kundi ang “magnetic lifters” na natuklasang naglalaman ng 500 kilograms ng shabu na may street value na P4.3-B.
Ayon sa lady lawyer na kanya umanong nakausap sa BOC, sinabi sa kanya na mahihirapang i-release ang equipment dahil “hot item” ito, na kanya naman inireport kay Atty. Carpio na siya ng huling meeting nila hingil sa magnetic lifters.
