![]()
Dalawang barko mula sa Iranian ports ang nakatawid sa Strait of Hormuz, sa kabila ng barikada ng US military, ayon sa maritime tracking data.
Sinabi ng maritime data provider na Kpler, kabilang ang dalawa sa apat na Iran-linked vessels na gumamit ng ruta matapos ipatupad ng Washington ang pagbarikada sa Hormuz.
Batay sa datos, nakatawid ang Liberia-flagged bulk carrier Christianna matapos magbaba ng 74,000 tonnes ng mais sa Bandar Imam Khomeini Port sa Iran.
Ang ikalawang barko naman na Comoros-flagged tanker Elpis, ay nakalusot din sa strait matapos dumaan malapit sa Larak Island, matapos magkarga ng 31,000 tonnes ng methanol bago umalis ng Bushehr Port.
Una nang nagbanta ang US Central Command na tatargetin ng barikada ang mga barko na papasok o lalabas ng Iranian ports at coastal areas.
