![]()
Hinimok ni Laguna Cong. Alfredo Arman Dimaguila ang Department of Finance na huwag matakot kung mabawasan man ng kita ang pamahalaan dahil sa posibleng pagsuspinde ng VAT at excise tax.
Sa hearing ng lead committee, sinabi ni Dimaguila na kayang mag-adjust ng gobyerno sa kung ano lamang ang maaaring isulong na proyekto depende sa kapasidad nito.
Bilang dating nanungkulan sa Department of Finance, sinabi ni Dimaguila na kahit sa budget hearings, nakikinig ang mga mambabatas kapag ipinaliwanag ng national government ang aktwal na kita ng pamahalaan dahil sa sakripisyong ginagawa.
Ayon pa sa kanya, nasa diskarte ng national government kung anong mga proyekto lamang ang popondohan sa panahong kapos ang revenue ng pamahalaan.
