![]()
Itinuturing ng legal team ni Vice President Sara Duterte ang dati nitong tauhan na si Ramil Madriaga bilang weakest link sa impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.
Kaya naman, ayon kay Atty. Salvador Panelo Jr ay hindi sila nababahala sa nakatakdang pagharap ni Madriaga sa Kamara.
Sinabi ni Panelo na hindi nila pipigilan si Madriaga na sirain na mismo ang kanyang sarili sa pagtestigo sa impeachment complaint.
Pero aminado si Panelo na pinangangambahan nilang maniwala ang tao sa mga alegasyon ni Madriaga na tiyak aniyang palalakihin nang husto.
Nilinaw din ng abogado na ang inihain nilang perjury complaint laban kay Madriaga ay hindi naglalayong pigilan siya sa pagtestigo subalit nais lamang siyang papanagutin sa kanyang mga aksyon.
Nanindigan din si Panelo na hindi ang kampo ng Bise Presidente ang nasa likod ng pagbabanta sa buhay ni Madriaga.
