dzme1530.ph

UNANG ROUND NG PAMAMAHAGI NG AYUDA SA MGA TSUPER NG PUV, TARGET TAPUSIN NG DSWD NGAYONG ABRIL

Loading

Target ng Department of Social Welfare and Development na matapos ngayong buong buwan ng Abril ang 1st round ng distribusyon ng cash aid sa mga driver ng public utility vehicle sa buong bansa.
 
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nais nilang hanggang sa April 30 ay matapos na ang pamamahagi ng ayuda.
 
Kasabay nito, sinabi ng kalihim na inihahanda na nila ang susunod na round ng ayuda upang matiyak na walang driver o rider ang hindi mabibigyan.
 
Sinabi ng opisyal na may pondo nang nakalaan para sa tulong na kanilang ipamamahagi.
 
Tiniyak ni Gatchalian na ipinatutupad na nila ang whole-of-government approach upang matulungan ang mga pinakaapekto ng tensyon sa Middle East.

About The Author