![]()
Hihingi ng briefing ang LEAD Joint Committee sa Executive branch kaugnay sa implementasyon ng Executive Order No. 110 o State of National Energy Emergency.
Alas nueve y medya (9:30) ng umaga ngayong Lunes April 13 itinakda ang briefing sa mismong Plenary session Hall ng HOR.
Si Marikina City Rep. Miro Quimbo bilang chairman ng House Committee on Ways and Means ang tumatayong lead chairperson kasama ang labing dalawang (12) iba pang komite sa Kamara.
Kabilang sa mga inaasahang dadalo para magbigay ng report ay DOE at mga attached agencies, DTI, DOTr, DA, DOF, DOLEat iba pa.
Inanyayahan din ang mga kinatawan ng transportation, labor at consumer sectors.
