dzme1530.ph

DBM, MAY 238 BILLION PESOS VS. OIL CRISIS; 20 PERCENT SPENDING CUT, IPATUTUPAD

Loading

May nakahandang humigit-kumulang ₱238 bilyon ang Department of Budget and Management para tugunan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
 
Ayon kay Rolando U. Toledo, kukunin ang pondo mula sa 2026 national budget, kabilang ang automatic at continuing appropriations, at gagamitin para sa fuel subsidies, tulong sa transport sector, magsasaka, mangingisda, at iba pang social protection programs.
 
Kasabay nito, ipatutupad ang 20% bawas sa non-essential government spending upang makalikom pa ng dagdag na pondo.
Sa inisyal na hakbang, naglaan na ang pamahalaan ng ₱2.5 bilyon para sa fuel subsidies at ₱1 bilyon para sa service contracting.
 
Tiniyak naman ng DBM na hindi maaapektuhan ang mahahalagang serbisyo tulad ng edukasyon at kalusugan, alinsunod sa direktiba ni Ferdinand R. Marcos Jr.

About The Author