dzme1530.ph

SAPAT NA SUPPLY NG LANGIS SA BANSA, TINIYAK NI EXECUTIVE SECRETARY RECTO SA MGA NEGOSYANTE

Loading

Nakipagpulong si Executive Secretary Ralph Recto sa malalaking business groups sa bansa para talakayin ang mga hakbang upang mabilis na mapagaan ang epekto ng krisis sa Middle East, partikular ang pag-angat ng presyo ng oil products.
 
Tiniyak ni Recto sa business groups na may sapat na supply ng langis ang Pilipinas.
 
Ginarantiyahan din ng punong kalihim na tutugunan ng administrasyon ang mga concern ng mga negosyante, gaya ng pagbaba ng tumataas na logistics costs, pag-manage sa port congestion, at iba pa.
 
Binigyang-diin ni Recto na sa unang araw pa lamang ng kaguluhan ay ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pakikipag-ugnayan sa mga negosyante, civic leaders, at local government executives upang makuha ang pananaw sa naturang usapin.
 
Hiningi rin ni Recto ang suporta ng private sector sa pamamagitan ng pag-adopt sa energy-saving measures, pagpapatupad ng flexible work arrangements, at kooperasyon upang masiguro na walang unfair pricing practices.

About The Author