dzme1530.ph

DMW, NILINAW NA WALANG UMIIRAL NA DEPLOYMENT BAN SA MIDDLE EAST

Loading

Itinanggi ng Department of Migrant Workers ang mga ulat na libu-libong overseas Filipino workers (OFWs) ang stranded bunsod ng umano’y deployment ban sa Gitnang Silangan.
 
Sa statement, inihayag ng DMW na walang deployment ban na ipinatutupad sa rehiyon, sa kabila ng iba’t ibang alert levels na itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa ilang Middle Eastern countries sa gitna ng nagpapatuloy na kaguluhan.
 
Idinagdag ng ahensya na inatasan ang recruitment agencies na mahigpit na i-monitor ang kanilang dini-deploy na workers at magbigay ng agarang tulong kapag kinakailangan.
 
Muli ring tiniyak ng DMW ang pangakong susuportahan ang OFWs at kanilang mga pamilya na apektado ng digmaan.
 
Una nang iniulat ng kagawaran na umabot na sa 4,241 Filipinos ang napauwi na sa bansa mula sa Middle East hanggang noong nakaraang linggo.

About The Author