dzme1530.ph

5.6K PINOY SEAFARERS, STRANDED DAHIL SA TENSYON SA STRAIT OF HORMUZ

Loading

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may 5,600 Filipinos seafarers na sakay ng 447 vessels ang stranded ngayon dahil sa tensyon sa Strait of Hormuz.
 
Sa LEAD Joint Committee hearing sa Kamara, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Maria Andrelita Austria, na may 2,000 na barko ang stranded sa lugar ng Strait of Hormuz, at halos 20,000 seafarers ang sakay nito.
 
Sa unang buwan ng US-Israel attacked sa Iran, ang maritime traffic sa Strait of Hormuz na itinuturing bilang ‘major artery for global energy shipments’ ay 3,000 ships a month.
 
Bumababa ito sa 200 bago ang inanunsyong truce o kasunduan.
 
Sa ngayon puspusan umano ang DFA sa ginagawang koordinasyon para makakita ng alternatibong pagkukunan ng langis at fertilizer, kasabay ng pagsisikap para sa matiwasay na pagdaan ng Philippine vessels, fuel cargoes at Filipino seafarers.

About The Author