![]()
Itinigil ng Iran ang oil tanker traffic sa Strait of Hormuz kasunod ng pag-atake ng Israel sa Lebanon, ayon sa ulat ng Fars News Agency.
Una nang inihayag ni Shehbaz Sharif na kasama ang Lebanon sa ceasefire sa pagitan ng Estados Unidos at ng Iran.
Gayunman, sinabi ng Israeli military na magpapatuloy ang kanilang pag-atake sa grupong Hezbollah.
Kahapon ay inilunsad ng Israel ang tinawag nitong pinakamalaking pag-atake sa Lebanon mula nang mag-umpisa ang giyera.
Sa report ng Fars, dalawang oil tankers lamang ang pinayagang makatawid ng Strait of Hormuz, simula nang maging epektibo ang ceasefire.
