dzme1530.ph

PILIPINAS, SASAMANTALAHIN ANG CEASEFIRE SA PAGITAN NG US AT IRAN PARA MAKAPAGDAGDAG NG SUPPLY NG LANGIS

Loading

Sasamantalahin ng Pilipinas ang dalawang linggong ceasefire sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, para matiyak hangga’t maaari ang supply ng petrolyo sa bansa.
 
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ilang oras matapos magkasundo ang US at Iran sa dalawang linggong ceasefire agreement.
 
Kabilang umano sa napagkasunduan ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz, kung saan dumadaan ang 20% ng oil supply sa buong mundo.
 
Sinabi ni Pangulong Marcos na gagamitin ng bansa ang pagkakataon para dagdagan ang supply hangga’t maaari.
 
Idinagdag ng pangulo na sa tingin niya ay handa at desidido ang lahat ng nasa round table na matapos na ang gulo.
 
Umaasa si Marcos na bababa na ang presyo ng langis dahil mas magiging bukas na ang pandaigdigang merkado.
 
Dahil din aniya sa ceasefire ay makapagtatrabaho na muli ang mga Pilipinong marino.

About The Author