![]()
POSIBLENG bumaba ng 20 hanggang 50 percent ang produksyon ng bigas sa bansa kung hindi maagapan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng fertilizer.
Ayon kay Agriculture Usec. Asis Perez, posibleng maapektuhan ang mga ani na itatanim sa mga buwan ng Mayo at Hunyo kaya mangangailangan ng sapat na resources para sa mga nabanggit na buwan.
Kung wala aniyang gagawing solusyon dito, tiyak na matatamaan ng pagbaba ng rice production ang 10 million metric tons na suplay ng bigas sa mga buwan ng Agosto at Setyembre.
Batay aniya sa kanilang initial projection, 20 percent o 2 million metric tons at maaari pang umakyat hanggang 50 percent ang pwedeng production loss sa bigas.
Hindi naman inirerekomenda ng Department of Agriculture ang pag-aangkat ng bigas dahil lahat ng bansa sa buong mundo ay apektado ng gulo sa Middle East.
