dzme1530.ph

SUSPENSYON O PAGBABAWAS SA FUEL EXCISE TAX, HINDI MATUKOY NG ECONOMIC MANAGERS KUNG KAILAN IPATUTUPAD

Loading

Walang direktang sagot ang sino man sa mga dumalong kasapi ng economic managers ng Marcos administration kung kailan babawasan o sususpindihin ang excise tax sa produktong petrolyo.
 
Sa pagtatanong ni Batangas Rep. Leandro Leviste, inalam nito sa DOF at Dep’t Dev kung kailan talaga babawasan ang excise tax sa produktong petrolyo.
 
Ayon kay Dep’t Dev Sec. Arsenio Balisacan, malaking problema kung mababawasan ng kita ang pamahalaan.
 
Maging ang Department of Finance ay tikom din halos ang bibig kung may rekomendasyon na ba ang DBCC sa Pangulo kung babawasan o isususpindi muna ang excise tax sa petrolyo.
 
Bukod sa excise tax nais din ni Leviste at ng Makabayan bloc na alisin na ang VAT sa langis at sa iba pang produkto at serbisyo.
 
Sa talaan ang Pilipinas sa buong Southeast Asia ang may pinakamataas na VAT.
 
Sa pag-aaral pa ni Leviste, kung ibababa sa 10% ang VAT mula sa kasalukuyang 12%, 250-bilyon pesos ang mababawas sa buwis, katumbas ito ng 9,000 pesos kada taon o 750 pesos kada buwan para sa bawat pamilyang Pilipino.

About The Author