dzme1530.ph

LIBU-LIBONG PINOY, BALIK NA SA METRO MANILA MATAPOS ANG HOLY WEEK BREAK

Loading

Nakabalik na sa Metro Manila ang karamihan sa mga biyaherong umuwi sa mga lalawigan para magbakasyon nitong nagdaang Semana Santa.

 

Kahapon ay kumapal ang passenger traffic sa Gate 3 ng Parañaque Integrated Terminal Exchange, na designated arrival area para sa mga biyaherong galing sa iba’t ibang probinsya.

 

Kaparehong eksena rin ang nasaksihan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kung saan nagdatingan ang mga nagbakasyon sa ilang karatig bansa, gaya sa Vietnam.

 

Sinabi ng PNP na generally peaceful ang paggunita sa Holy Week sa Metro Manila.

 

Ayon kay NCRPO spokesperson Police Major Hazel Asilo, mas mababa ang nai-report ngayong petty crimes dahil maaaring mas maingat at mas alerto na ang ating mga kababayan.

 

Mahigit 13,000 police personnel ang idineploy ng National Capital Region Police Office upang matiyak ang seguridad sa transport terminals at airports sa buong Metro Manila.

About The Author