dzme1530.ph

ALAMIN ANG MGA BENEPISYO SA KATAWAN NG PAGGAMIT NG CASTOR OIL

Loading

Kilalang mayaman ang castor oil sa ricinoleic acid, isang uri ng fatty acid na may anti-inflammatory at antibacterial na katangian na makatutulong sa pagpapalakas ng kalusugan.

 

Isa sa mga pangunahing benepisyo nito ay ang pagpaginhawa ng constipation.

 

Matagal nang ginagamit ang castor oil bilang natural laxative na tumutulong sa mas maayos na pagdumi.

 

Bukod dito, mabisa rin ito sa pag-aalaga ng balat.

 

Nakatutulong ang castor oil na mapanatiling moisturized ang balat at mabawasan ang pagkakaroon ng pimple o acne dahil sa taglay nitong antibacterial properties.

 

Ginagamit din ito sa buhok upang mapalakas ang mga hibla at mapigilan ang paglalagas.

 

Ayon sa ilang pag-aaral, nakatutulong ang regular na paglalagay ng castor oil sa anit sa pagpapasigla ng pagtubo ng buhok.

 

Nakikita rin ang benepisyo nito sa pagbabawas ng pananakit ng kasu-kasuan at kalamnan kapag ito ay ipinapahid sa apektadong bahagi ng katawan.

 

Sa kabila ng mga benepisyo, pinapaalalahanan ng mga doktor na gumamit ng castor oil nang may pag-iingat at kumonsulta muna sa espesyalista, lalo na kung iinumin ito, upang maiwasan ang posibleng side effects.

About The Author