dzme1530.ph

K-POP IDOL SANDARA PARK, NASA PILIPINAS PARA MAGBAKASYON

Loading

Balik-Pilipinas ang K-pop star na si Sandara Park para magbakasyon.

 

Ibinahagi ni Dara ang pagdating niya sa bansa sa pamamagitan ng social media post noong Lunes ng gabi.

 

Nilagyan ng 2NE1 member ang kanyang post ng caption na “I’m home.”

 

Base sa mga pinost niyang larawan, bumalik sa Pilipinas ang tinaguriang “Pambansang Krung Krung” kasama ang kanyang mga kaibigan para magbakasyon.

 

Hindi kinalimutan ni Sandara ang kanyang Filipino roots sa kabila ng kanyang matagumpay na K-pop career at kilala na siya sa buong mundo.

 

Patuloy pa rin si Dara sa pagbalik sa Pilipinas na itinuturing niyang pangalawang tahanan.

About The Author