dzme1530.ph

PAGTUKOY SA PROBABLE CAUSE NG IMPEACHMENT COMPLAINTS LABAN KAY VP SARA, POSIBLENG MATAPOS NGAYONG ABRIL

Loading

Hindi malayo na matapos ng House Committee on Justice ang pagdetermine kung may probable cause ang impeachment raps na kinakaharap ni Vice President Sara Duterte ngayong Abril.

 

Yan ang nakikita ni Cong. Jonathan Keith Flores, vice chairman ng komite, matapos na itakda ang mga petsang April 14, 22 at 29 para sa preliminary investigations.

 

Kung magiging mabilis ang proseso, maaaring sa pagbabalik ng regular session sa May 4, pwede nang isumite sa plenary ang committee report para pagbotohan ng buong Kapulungan.

 

Inamin ni Flores na isa sa bibigyan nila ng malalim na pag-aanalisa ay ang testimonya ng detained witness na si Ramil Madriaga, ang nagpakilalang “bagman” ng bise presidente.

 

Kakaliskisan aniya ng komite ang kredibilidad ni Madriaga kung siya talaga ay nararapat na maging witness, at masama sa mga reklamo ang kanyang mga rebelasyon.

About The Author