dzme1530.ph

BABAENG KADETE MULA SA BAYBAY CITY, LEYTE, NANGUNA SA GRADUATES NG PNPA SILANG PAGLAOM CLASS

Loading

Isang bente kwatro anyos na babaeng kadete mula sa Baybay City, Leyte ang nanguna sa mga graduates ng Philippine National Police Academy o PNP “Silang Paglaom” Class of 2026.

 

Sinabi ni Police Cadet Van Marie Editha Gundaya Cagasan na naging inspirasyon niya sa pagsisikap ang kanyang pangako sa yumaong ina na ninais siyang makita itong nagmamartsa at tumatanggap ng diploma.

 

Pumanaw ang ina ni Cagasan noong siya ay nasa 2nd year pa lamang sa PNPA dahil sa sakit na cancer.

 

Si Cagasan ay nagtapos din bilang valedictorian noong elementarya at high school.

 

Una rin siyang pumasok sa Visayas State University at kumuha ng kursong Bachelor of Science in Biotechnology.

Subalit dahil sa pagnanais na magsilbi sa bansa, pumasok siya sa PNPA.

About The Author