![]()
Binatikos ni Vice President Sara Duterte ang Kamara dahil mas binibigyang pansin ang pulitika sa halip na unahing solusyunan ang problema ng bayan.
Sinabi ng bise presidente na ang imbitasyon sa kanya para dumalo sa pagdinig ng House Committee on Justice ay tila ginagamit para makabuo ng media narrative na magkakaroon ng “mini-trial,” batay sa hindi niya pagsagot at pagdalo.
Nanindigan si VP Sara na hindi siya obligadong dumalo sa proceedings, kasabay ng pagbibigay-diin na dapat ibasura ng panel ang impeachment complaints laban sa kanya dahil sa malinaw na kakulangan ng ebidensya.
Idinagdag ni Duterte na mas pipiliin niyang ilaan ang kanyang oras sa pagtulong sa mga Pilipino, lalo na sa pagbibigay ng paalala, diresto sa mga komunidad upang maibsan ang hirap sa gastusin ng mga pamilyang higit na nangangailangan.
