![]()
Pinaalis ng Saudi Arabia ang military attache ng Iran, assistant nito at tatlong embassy staff matapos ideklarang persona non grata.
Ito, ayon sa Saudi Foreign Ministry, bunsod ng nagpapatuloy na attacks ng Iran sa kanilang teritoryo.
Simula nang mag-umpisa ang US-Israeli attack sa Iran, ay inatake rin ng daan-daang Iranian missiles at drones ang Saudi, bagaman karamihan sa mga ito ay na-intercept o naharang.
Inihayag ng Ministry na ang patuloy na pag-atake ng Iran ay maaaring magpalala pa sa sitwasyon at magkaroon ng “significant consequences” para sa current at future relations.
Una nang binigyang diin ng Saudi Foreign Minister na may karapatan ang kaharian na gamitin ang kanilang militar laban sa Iran at anumang tiwala nila sa Tehran ay nabasag kasunod ng mga pag-atake.
