dzme1530.ph

50% DISCOUNT SA PASAHE SA MRT-3 AT LRT-2, IPATUTUPAD SIMULA SA MARCH 23

Loading

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na magpapatupad ito ng 50% na discount sa pasahe sa tren ng MRT-3 at LRT-2, simula sa March 23.

 

Ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagaanin ang pasanin ng mga commuter sa gitna ng fuel price shock bunsod ng gulo sa Middle East, sa pamamagitan ng diskwento sa pasahe.

 

Sa advisory, sinabi ng DOTr na ang 50% discount sa MRT-3 at LRT-2 ay maaaring awtomatikong ma-avail ng blue Beep card holders.

 

Para naman sa mga sumusakay gamit ang single journey tickets, ang pasahe ay bawas na ng 50%.

 

Samantala, epektibo pa rin ang 50% discount ng white Beep card holders, gaya ng senior citizens, persons with disabilities, at mga estudyante.

About The Author