dzme1530.ph

MODERNISASYON SA PUBLIC UTILITY VEHICLES UPANG GAWING ELECTRIC VEHICLES, PINAMAMADALI

Loading

UMAPELA si Senador Win Gatchalian sa pamahalaan na pabilisin ang transisyon ng mga public utility vehicles (PUVs) patungo sa paggamit ng electric vehicles (EVs) sa pamamagitan ng PUV modernization program.
 
Sinabi ni Gatchalian na bagama’t hindi ito kagyat na solusyon sa mga aberya sa suplay ng langis sa mundo, binigyang-diin ng senador na ang pagpapabilis sa paglipat sa EV ay makatutulong upang mabawasan ang pangmatagalang epekto ng mga oil shocks at mapabuti ang seguridad sa enerhiya ng bansa.
 
Sinabi ng senador na para mapabilis ang paglipat sa EV sa sektor ng pampublikong transportasyon, kailangan ng gobyerno na dagdagan ang tulong pinansyal para sa mga driver at operator ng PUV.
 
Ipinaliwanag ng senador na ang mga driver at operator ng mga EV ay protektado mula sa paiba-ibang presyo ng langis at tinitiyak ang mas matatag na kita.
 
Bukod dito, ang mga PUV operator at driver na pipili ng mga EV ay makikinabang sa excise tax exemption, na nagpapababa sa purchase costs kumpara sa mga internal combustion engines.
 
Sinabi rin ni Gatchalian na ang mas mababang pagdepende ng mga EV sa presyo ng langis ay makatutulong upang limitahan ang pagtaas ng pasahe.
 
Kabilang sa iba pang mga insentibo para sa EV ang prayoridad sa registration at renewal sa LTO at access sa mga pampublikong charging infrastructure. Ito ay mga benepisyong nakapaloob sa Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA) na iniakda at isinulong ni Gatchalian.

About The Author