![]()
Pinaigting ng Israel ang airstrikes sa Beirut, na ikinasawi ng hindi bababa sa sampung katao at ikinasira ng 10-storey building sa ikatlong linggo ng kanilang pakikidigma sa grupong Hezbollah na sinusuportahan ng Iran.
Inatake ng Israeli warplanes ang mga tulay sa Litani River na nag-uugnay sa southern Lebanon patungo sa nalalabing bahagi ng bansa, na nagresulta sa pagkasira ng dalawang imprastraktura.
Sinabi ng Israeli military na tinarget nila ang mga tulay sa Litani upang mapigilan ang Hezbollah sa paglipat ng kanilang fighters at weapons, kasabay ng babala sa mga residente na lisanin na ang south.
Ang digmaan sa pagitan ng Hezbollah at Israel ay itinuturing na deadliest spillover ng US-Israeli war sa Iran mula nang rumesbak ang Iran-backed group bilang suporta sa Tehran noong March 2 na ikinasawi ng mahigit 900 katao sa Lebanon at isang milyon ang na-displace.
