![]()
NAGPAHAYAG ng pagkadismaya si Senador Bam Aquino sa mabagal na pag-download ng P65-bilyong pondo para sa classroom construction sa ilalim ng 2026 national budget papunta sa local govt units.
Sinabi ng senador na maaaring magdulot ito ng pagkaantala sa pagkumpleto ng mga proyekto.
Kasabay nito, nananawagan ang mambabatas sa Department of Education (DepEd) na agarang ilabas ang pondo para sa pagtatayo ng mga silid-aralan sa mga lokal na pamahalaan upang hindi na maulit ang kapalpakan ng Department of Public Works and Highways sa pagtatayo ng silid-aralan.
Ang pagkaantala anya sa paglalabas ng pondo sa LGUs ay maaaring makasagabal sa progreso ng konstruksyon, lalo na kung aabot ito sa panahon ng tag-ulan.
Umaasa si Aquino na mailalabas ng DepEd ang pondo sa tamang oras upang makapagsimula agad ang LGUs sa groundbreaking at konstruksyon ng mga silid-aralan nang walang pagkaantala, na makatutulong sa pagtugon sa tinatayang 166,000 classroom backlog sa bansa.
Maaari anyang mapalakas pa ang inisyatibang ito sa pamamagitan ng pagpasa ng kanyang Classroom-Building Acceleration Program Act, na kamakailanay inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa
