![]()
Pumalag din si Cong. Terry Ridon sa akusasyon na may mga kongresista na sumuporta sa impeachment ni VP Sara Duterte para makawala sa pagkakasangkot sa flood control scandal.
Hamon ni Committee on Public Accounts Chairman Terry Ridon ng Bicol Saro Party-list, si Navotas Cong. Toby Tiangco na pangalanan ang mga tinutukoy nitong kongresista.
Unfair aniya sa mga kongresista na basta na lamang magsalita o magbibintang ng wala namang ebidensya.
Hindi rin aniya dapat pinagbabanga ni Tiangco ang isyu sa flood control at pagpapanagot kay VP Duterte.
Kung ang isyu umano ay accountability, mas mainam na i-address ito kay VP Duterte lalo na at nag-anunsyo na ito ng pagtakbong presidente sa 2028.
Ganito rin ang hamon ni Tingog Rep. Jude Acidre kay Tiangco—ilabas nito ang ebidensya, at kung wala naman ay tigilan na ang pagpapakalat ng pekeng balita na nagbibigay kalituhan sa taumbayan.
