dzme1530.ph

GOBYERNO, NAGLUNSAD NG LIBRENG SAKAY

Loading

Inilunsad ng pamahalaan ang libreng sakay program upang serbisyuhan ang mga maaapektuhan ng transport strike ngayong araw na ito.

 

Ayon sa Department of Transportation, ilang bus mula sa kanilang ahensya, gayundin sa Office of the President, Philippine Coast Guard at Philippine National Police ang nag-iikot sa iba’t ibang lugar mula 7 a.m. hanggang 8 p.m.

 

Partikular na iikutan ng mga libreng sakay bus ang Quiapo hanggang Welcome Rotonda, Welcome Rotonda hanggang Cubao, Nagtaahan hanggang Cubao, Taft-UN hanggang PITX, at Lawton hanggang PITX.

About The Author