dzme1530.ph

TRANSPORT STRIKE DAHIL SA PATULOY NA PAGTAAS NG PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYON, UMARANGKADA

Loading

Umarangkada na ang transport strike ng iba’t ibang grupo sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

Maagang dumagsa ang mga miyembro ng PISTON sa Welcome Rotonda sa Maynila upang ipanawagan sa gobyerno na maging agresibo sa pagpapatupad ng mga hakbang upang tugunan ang pangangailangan ng kanilang sektor.

 

Sinabi ni PISTON member Regie Manlapig na bagamat may ginagawa ang gobyerno, kulang pa rin ito upang maibsan ang problema sa langis.

 

In-activate naman ng Metropolitan Manila Development Authority ang kanilang Emergency Operations Center upang mamonitor ang iba’t ibang lugar.

 

Ayon kay MMDA General Manager Nicolas Torre III, hindi nila inaasahang magkakaroon ng major impact sa transportasyon ang strike.

About The Author