dzme1530.ph

WORK FORM HOME AT FLEXIBLE ARRANGEMENTS, DAPAT PALAWAKIN

Loading

Dahil sa patuloy na pagtaas ng langis, nanawagan si Cavite 1st Dist. Rep. Jolo Revilla sa DOLE at private employers na palawakin ang work-from-home (WFH) at flexible arrangement.

 

Ito’y upang makatulong sa programa ng gobyerno at pribadong sektor sa pagtitipid ng fuel at gastusin ng mga nagtatrabaho.

 

Para sa chairman ng House Committee on Labor and Employment, kritikal ang papel ng DOLE sa pag-iisyu ng maayos at updated na guidelines upang matiyak na protektado pa rin ang karapatan ng mga manggagawa sa institutionalized flexible work arrangements.

 

Nagbabala si Revilla na kung tumagal pa ang gulo sa Middle East, lalo nitong maaapektuhan ang global oil supply, at sa kagaya ng Pilipinas na oil-importing nation, malaking dagok ito.

 

Saad pa ng mambabatas, hindi dapat masagad ang oil reserves ng Pilipinas na tatagal lang ng 60 days, kaya naman ngayon pa lang dapat nang magpatupad ng mga hakbangin para makatipid sa konsumo ng gasolina at kuryente.

 

Sa WFH set-up, hindi lang kawani ang makatitipid kundi maging ang employers ay mababawasan ang operational expenses.

About The Author