![]()
Nabawasan ang bilang ng mga naibentang sasakyan noong Pebrero kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Batay ito sa pinagsamang sales data mula sa Chamber Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association (TMA).
Ayon sa CAMPI at TMA, kabuuang 35,842 vehicles ang naibenta noong nakaraang buwan, mas mababa ng 8.5% mula sa 39,164 noong February 2025.
Gayunman, lumobo ng 6.4% ang vehicle sales noong Pebrero mula sa 33,696 noong Enero.
Nakapagtala naman ang CAMPI at TMA ng kabuuang 3,098 electric vehicle sales noong nakaraang buwan na mas mataas ng 70.6% kumpara sa 1,816 na naibenta noong Feb. 2025.
