![]()
Marami ang nagsasabi na iwasan ang pagkain ng buto ng kamatis o bayabas para hindi magkaroon ng problema sa appendix.
Pero ayon sa mga eksperto, walang kinalaman ang mga butong ito sa appendicitis.
Ang appendix ay ang maliit na supot sa unahang bahagi ng bituka.
Ang totoong culprit o sanhi ng appendicitis ay ang tinatawag na fecalith o duming tumigas at naging bato na humaharang na sa appendix.
Dahil dito, nakukulong ang bacteria at dumarami na nagreresulta sa pamamaga hanggang sa pumutok.
Ilan sa sintomas ng appendicitis ay ang pananakit ng tiyan na nagsisimula sa pusod o sa sikmura at lilipat sa kanang ibabang bahagi.
Kapag nakakaranas ng ganitong matinding pananakit, ipinapayo na agad magpadala sa emergency room upang maiwasan ang pagputok ng appendix na magdudulot ng pagkalason sa katawan.
