dzme1530.ph

MGA SENYALES NA MAY PROBLEMA ANG LAPAY O PANCREAS, ALAMIN

Loading

Ang lapay o pancreas ay mahalagang bahagi ng ating katawan na tumutulong sa pagkontrol sa blood sugar dahil ito ang gumagawa ng insulin na kailangan ng katawan.

 

Narito ang ilang senyales na hindi dapat balewalain kaugnay sa problema sa lapay.

 

Una, ang paulit-ulit na pananakit ng tiyan lalo na sa gitnang bahagi na umaabot sa likod. Madalas ding sumakit ang tiyan lalo na pagkatapos kumain. Maaaring senyales ito ng pamamaga ng lapay.

 

Ikalawa, matagal mawala ang LBM. Ang lapay kasi ang tumutulong sa pagtunaw ng pagkain. Kapag hindi gumagana ang lapay, hindi natutunaw nang buo ang mga taba-taba na kinakain kaya nagkakaroon ng oily na dumi.

 

Ikatlo, biglaang pagbabawas ng timbang o pangangayayat kahit hindi naman sinasadya dahil na rin sa nawawalan ng ganang kumain.

 

Ikaapat, hirap nang pababain ang blood sugar level kahit hindi naman mahilig sa matatamis na pagkain.

 

At ikalima, paninilaw ng mata o balat. Kapag may pagbabara sa pancreas o lapay ay naaapektuhan na nito ang iba pang bahagi ng katawan kaya’t nagdudulot na ng paninilaw.

 

Kapag nakakaranas ng mga ganitong sintomas, huwag nang balewalain at agad nang kumonsulta sa inyong doktor.

 

Tandaan na early detection saves lives.

About The Author