![]()
TIWALA si Senador Sherwin Gatchalian na pansamantala lamang ang suspensyon ng fare hike o taas-singil sa pamasahe sa mga pampublikong transportasyon.
Ito ay kasunod ng kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr laban sa desisyon ng Department of Transportation.
Sinabi ni Gatchalian na dapat munang unahin ng pamahalaan ang iba pang mekanismo na hindi magdudulot ng inflationary effect o pagtaas ng presyo ng ilan pang bilihin o serbisyo.
Ipinaliwanag ng mambabatas na kapag tumaas ng pasahe ay tiyak ring itataas ng mga manufacturers ang presyo ng kanilang mga produkto at posible ring manghingi ng dagdag sweldo ang mga empleyado.
Naniniwala si Gatchalian na uunahin na muna ang ibang mekanismo gaya ng pagbibigay ng Pantawid Pasada at iba pang direct subsidy sa mga apektadong sektor ng oil price hike.
