![]()
Ikinukonsidera ng National Food Authority (NFA) na bahagyang itaas ang kanilang buying price sa palay sa katapusan ng Marso para ma-replenish ang rice stocks sa dry-season harvest.
Inamin ni NFA Administrator Larry Lacson na sa ngayon ay nahihirapan silang makipag-kompetensya dahil mas mataas ang presyong alok ng private traders.
Sa kasalukuyan, 21 pesos per kilo ang buying price ng NFA sa dry palay habang 17 pesos per kilo sa fresh palay.
Tumanggi naman si Lacson na tukuyin ang eksaktong presyo upang maiwasan aniya ang mga ispekulasyon.
Samantala, humihirit din ang NFA ng temporary authority para makapagbenta ng bigas, direkta sa consumers, sa gitna ng tumataas na presyo nito.
