dzme1530.ph

DBM, KINALAMPAG SA MAKUPAD NA PAGKILOS PARA SA MGA PROYEKTONG PINONDOHAN SA ILALIM NG 2026 GAA

Loading

Kinalampag ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang DBM sa makupad nitong pagkilos para sa mga proyektong pinondohan sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act.

 

Sa adjournment speech ni Dy, inilatag nito ang mahahalagang aksyon na ginawa ng Kapulungan lalo na nang sumiklab ang gulo sa Gitnang Silangan.

 

Partikular dito ang paglalaan ng pondo sa mga proyektong kailangan ng taumbayan.

 

Gayunman, ayon kay Dy, para maging epektibo ang mga hangaring ito, kailangan tiyakin na ang pondong inilaan ng Kongreso ay nakararating sa mga mamamayan nang maagap.

 

Dahil aniya, ang batas na hindi naipapatupad ay nananatiling papel na walang halaga, at ang serbisyong hindi nakakarating sa tao ay huwad na paglilingkod.

 

Dahil dito, kinalampag ni Dy ang DBM at sinabing, “ayusin ninyo naman ang inyong trabaho, at bilisan ninyo ang kilos.”

 

Aniya, gawin ng DBM ang kanilang tungkulin upang maipatupad ang mga programang sasagot sa kasalukuyang pangangailangan ng mga mamamayan sa bawat rehiyon.

 

Kamakailan lamang, pinasaringan ng National Unity Party (NUP) si Dy sa umano’y kahinaan nitong kalampagin ang gobyerno para simulan ang mga proyektong pinondohan ng 2026 GAA.

About The Author