![]()
Kinumpirma ni Iranian President Mazoud Pezeshkian na nasawi ang kanilang intelligence minister sa aniya’y “cowardly assassination.”
Una nang sinabi ng Israel na kanilang napaslang si Esmail Khatib, sa pinakabagong pag-atake sa matataas na pinuno ng Iran.
Nangyari ito, isang araw matapos masawi sa air strikes ang security chief ng Iran na si Ali Larijani.
Una na ring kinumpirma ng Iran na napaslang sa pag-atake ng Israel ang kanilang defence minister na si Aziz Nasirzadeh.
