![]()
Kabuuan 17,000 na tauhan ang ipapakalat ng Philippine Coast Guard sa iba’t ibang panig ng bansa bilang bahagi ng Oplan Biyahe Ayos: Semana Santa 2026.
Layunin nito na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng domestic passengers mula March 28 hanggang April 5.
Ayon kay PCG press officer Joy Gumatay, tututukan ng kanilang mga tauhan ang mga pantalan, waterways at nautical highways.
Ilalagay naman ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang lahat ng PCG districts, stations at sub-stations sa heightened alert status sa panahon ng Semana Santa.
Paiigtingin din ng PCG ang monitoring sa lahat ng passenger ships, mga pantalan at nautical highways.
