![]()
Naglunsad ng one million signature campaign ang Committee on Senior Citizens bilang suporta sa Universal Social Pension o USP.
Nanguna si Senior Citizens Rep. Milagros Aquino-Magsaysay sa kampanya para sa isang milyong lagda, para sakupin ng Universal Social Pension ang mahigit 12-M senior citizens sa bansa at hindi na lang ang mga indigent seniors.
Nagkaroon ng ceremonial turnover ng mga lagda mula sa 20,000 senior citizens ng Marikina City na inilunsad ni Rep. Miro Quimbo.
Ayon kay Magsaysay, malakas na boses ang ipinaparating ng mga senior citizens para sa agarang pagpapatupad ng USP sa lahat ng seniors o 60 years old pataas sa bansa.
Sabay-sabay umanong kumikilos ngayon ang OSCAs o Office of Senior Citizens Affairs, LGUs, iba’t ibang samahan, asosasyon, organisasyon at mga federations mula sa 81 provinces, 149 cities, at 1,493 municipalities sa pangangalap ng lagda.
Sa oras na makumpleto ang one million signatures, idudulog nila ito kay PBBM para mabigyan ng pansin at hilingin na pirmahan na ang panukalang batas.
