dzme1530.ph

KAMARA, I-A-ADOPT ANG SENATE VERSION SA PANUKALANG PAG-ABOLISH SA EXCISE TAX

Loading

Nagkasundo ang mga kongresista na i-adopt ang Senate version ng panukalang pag-abolish sa excise tax.

 

Sa impormasyon mula sa Committee on Ways and Means na nag-sponsor sa HB No. 8418, nagkasundo maging ang mga author ng panukala na i-adopt ang buong Senate Bill No. 1982.

 

Sa isang mosyon sa plenary, isinulong na i-adopt ang SB No. 1982 bilang amendment sa HB No. 8418, na inaprubahan din ng plenary.

 

Ang hakbang ay nagpaiksi sa legislative process na kailangan para ganap itong maging batas.

 

Salig sa inaprubahang panukala ng Senado at Kamara, pagkakalooban ng special powers si Pres. Ferdinand Marcos Jr. para isuspinde o bawasan ang excise tax sa produktong petrolyo sa panahon ng national o global economic emergencies kagaya ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.

 

Ayon kay House Majority Leader Sandro Marcos, one step away na lang para ganap na itong maging batas, kaya naman ginawa nila ang nararapat para mapabilis ang pag-aksyon ng Presidente sa dinaranas na pasakit ng mamamayan.

 

Ayon pa kay Marcos, sa ganitong panahon, mahalaga ang mahinahong pamumuno at agarang pagkilos para sa kapakanan ng bawat Pilipino.

About The Author