dzme1530.ph

TRANSPORT GROUP, DISMAYADO SA PAGBAWI NI PANGULONG MARCOS SA DAGDAG-PASAHE

Loading

Ikinadismaya ng grupong Piston ang pagbawi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpapatupad ng dagdag-pasahe sa mga pampublikong sasakyan.

 

Sinabi ni Piston national president Modesto Floranda na tila nag-alok lamang ng kendi ang pamahalaan sa mga tsuper pero binawi din, subalit ang ibinigay sa mga gasolinahan ay lechon.

 

Patunay lamang aniya ito na mas pinapaboran ng pangulo ang mas malalaking negosyo.

 

Idinagdag ni Floranda na posibleng madagdagan ang mga lalahok sa strike ngayong araw dahil sa ginawang pagbawi sa taas-pasahe.

 

Nagbabala rin ang transport leader na ang kanilang tigil-pasada ngayong Huwebes ay simula pa lamang ng mga pagkilos ng mga operator at drayber hangga’t hindi nila nakakamit ang hirit na dagdag-pasahe.

About The Author